Masayang Kasiyahan ang mga naganap sa araw na iyon, tila ba’y nag bigay ng saya sa bawat isa ang sigundo at oras na inilaan nila sa sandaling kasiyahan na ito. Naging kapanapanabik ito sa lahat ng manonood. Si Ginang Jeniver Esguerra (Community Relation Officer) siya ang nag pauna sa pagsisimula ng Programa. Maging ang mga estudyante at mga iba’t ibang Guro na nakaharap sa selpon,camera at laptop nila ay nakisaya sa mumunting hatid ng ACTEC One sa pamamagitan ng roletang pinaikot, Sa pa-raffle at pagpapakita ng mga talento ng bawat estudyanteng sumali rito. Na kung iisipin mo masaya nga ba talaga ang mga sumali dito? At masasabi mo na lamang sa iyong sarili na “Siguro mas masaya ito kung hindi Online”? at “Siguro mas enjoy ito kung kasama talaga ang lahat ng Studyante” Bagong bago ito lahat para sa atin ang sitwasyon at maging ang mga nangyayaring ito, dahil hindi ito masaya kung ikukumpara sa dati nating nakasanayang kasiyahan sa loob ng ating nakagisnang Paaralan, Marami ang nakisaya at mga nag pakita ng kanya kanyang talento sa Isang Live na isinagawa ng Paaralan, maraming nag kumento dito, may mga nag pa shoutout at may mga sumuporta at marahil may mga hindi rin sumuporta sa mga nabasa kong mga komento dito, nakaka lungkot lamang isipin pero andito parin ang kasiyahang hatid ng pagsasama sama ng isang kasiyahan kahit sa sandaling oras lamang.
Sinulat ni: Reychelle Manalili (12-Kalon)