Written by : Jonas Tongol
“Walang uuwing hindi nabasa!” sambit ng presidente ng ACTEC, ito’y isang tradisyon na nag-uudyok upang wakasan ang mga bagay na humahadlang sa pagkakaisa. Sapagkat sa pag-abot ng pinipithayang pangarap ay hindi basta-basta — karamay, kasama, at katoto ay kailangan nang ang mga bagay na humahadlang sa kagalakan ay hindi mapigilan ng kahit na anumang agam-agam.
Sino ka? At sino ba siya? Mga tanong na madalas na naibubulalas ng isip. Subalit sa pamamagitan ng “Acquaintance Party” ay nasagot ang lahat ng katanungan at ang mga agam-agam na siyang humahadlang ay tuluyan nang naglaho. Sa ningning ng marahuyong pinipithayang pangarap ay patuloy na tatayo’t lalaban, dumatal man ang daluyong o mapanghamong mga hampas ng alon ay hindi mag-iisa kundi may kasamang sisigaw ang bagong katotong ACTECIANS!